Estado ng Kalikasan sa Ngayon

Ang temang ito ay tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon at ang mga kaganapang maaaring magdulot ng pagbabago sa ating kapaligiran.

Sunday, September 25, 2005

Marami ng mga pagbabago sa ating kapaligiran, unti-unti na na kakalbo ang ating mga kagubatan. Marami ng basura na nakakalat kahit saan. Sadyang nakakapanlumong tignan. Walang pakialam ang ibang tao kahit saan na lang tinatapon ang kanilang mga basura imbis na atapon sa tamang lugar. Wala rin pakundangan ang pagputol ng mga punong-kahoy sa kaguban. Dapat sana ay palitan kung ano man ang pinutol na puno nila. Maaari pa naman nating mainsalba ito sa pamamagitan ng pagdisiplina sa ating mga sarili. Dapat nating isipin na tayo rin ang mahihirapan sa bandang huli dahil sa walang pakundangan na pagsira sa ating kalikasan.


Anna Lou L. Rica
Block 2-E

Saturday, September 24, 2005

Masdan Mo Ang Kapaligiran?
Ang kalikasan ay isa sa biyayang handog ng Diyos na dapat nating ingatan, alagaan at pagyamanin tungo sa ating kaunlaran. Bawat biyaya ng Diyos ay dapat may katapat na pagmamahal lalong lalo na ang ating kalikasan na syang nagbigay sa atin ng kabuhayan at tumutulong sa oras ng kagipitan.Ang kalikasan ay para sa lahat kaya nangangailangan ito ng respeto upang mapakinabangan mo nang husto.Subalit ito ay unti- unti ng nasisira dahil sa atig kakitidan ng utak at pagkaganid sa mga materyal na bagay. Kaya habang may panahon pa alagaan natin ito at pagyamanin!!!
Gemma Rose Anog
Block 2E

BAKIT BA INANG?...
Tunay ngang kabigha- bighani ang kagandahang dulot nitong ating Inang kalikasan.Nariyan ang kahanga- hangang mga pulo na napapalibutan ng maamong karagaang pinagyaman ng mga lamang dagat tulad halimbawa ng isda, alimango, hipon, talaba at marami pang iba na syang ikinabubuhay ng maraming Pilipino.Matatagpuan din sa atin ang kaakit-akit na mga tanawin at ilang malalawak na mga lupaing kagubatan na syang pugad at himlayan ng mga maiilap na hayop at iba pang kaaya- ayang lamang gubat na talaga namang maipagmamalaki natin dahil tanging dito lamang matatagpuan ang mga ito sa Pinas, gaya ng Philippine Monkey-Eating Eagle ng Davao, tamaraw at pilandok o mousedeer ng Palawan at marami pang iba. Ganoon pa man, ang mga ito ay ilan lamang sa mga natatanging biyayang ipinagkaloob at ipinamalas sa atin.
Ngunit sa kabila ng lahat, masakit isiping ang dating mayayabong at nagluluntiang kagubatan ay unti- unti nang nawawasak at nanganganib na maglaho habang ang dating mayamang karagatan ay unti- unti ng nauubos at patuloy na naghihinagpis dahil sa nakakalasong polusyon.Ang lahat nang ito ay dahil sa ating kapabayaan at kakulangan ng disiplina sa sarili.
Kung magpapatuloy ang ganitong
kalakaran, baka hindi na natin mapigilan ang paglala nito sa hinaharap?May pag- asa pa kayang makabawi at manumbalik ang dating magandang imahe ng ating kalikasan?Anong kapaligiran kaya ang naghihintay sa mga susunod pa sa
atin?Mayroon pa kaya?Ano...?Ano...?Ano...?

Estado na kalikasan sa ngayon

Ang Ating Kalikasan ngayon

Masasabi nating dumedepende ang tao sa kalikasan.nang dahil sa kahirapan ang iba sa atin ay inaabuso ito.hindi sana ito masama kung ginagamit lamang natin ang ating likas na yaman sa ikabubuti ng lahat. Masagana nga tayo sa likas na yaman ngunit mahirap naman tayo pagdating sa kabuhayan ng ating mga mamamayan. Sana gamitin ng mahusay at may katuturan ang isang bagay at dapat ding isipin natin kung ano ang epekto nito sa ating mamamayan at sa ating bansa.






posted by:Bermie Sescon Blk 2 E

Friday, September 23, 2005

Estado ng

Estado ng Kalikasan sa Ngayon

Maraming henerasyon na ang nagdaan at habang tumatagal ay nagbabago ang estado ng ating kalikasan.Kung noon ay nakakalanghap tayo ng sariwang hangin ngayon ay maruming usok na nanggagaling sa mga pabrika at tambutso ng mga sasakyan ang ating malalanghap.Nauubos na rin ang mga punongkahoy sa mga kagubatan dahil sa patuloy na ilegal na pagputol nito.Ang mga basura naman ay kung saan-saan na lang tinatapon na nagiging sanhi ng pagdumi na mga ilog at karagatan at pagbara ng mga kanal na nagiging sanhi naman ng pagbaha.Lubhang nakakalungkot ang pagbabagong nangyayari sa ating kalikasan na tayo naman ang may kagagawan.Ngunit hindi pa huli ang lahat.May panahon pa para matigil ang patuloy na pagkasira na ating kalikasan.Kaya hanggat hindi pa huli ang lahat simulan na natin ang pagligtas sa ating kalikasan na magandang biyaya sa atin ng Poong Maykapal.





April B. Deluao
Block II-E

KALIKASAN: Sabay nating ayusin!!

KALIKASAN??Ano ba ito para sa inyo??Ito ba ay isang bagay LAMANG na dapat paglaruan,sirain at abusuhin??o isang biyaya ng maykapal na dapat nating ingatan at pangalagaan?? Kamusta na pala ang atingkalisan sa atingpanahon ngayon??Ito ba'y maayos pa at maganda gaya ng dati noong ito ay ginawa ng ating maykapal??

Sa ating panahon ngayon,mahirap sagutin ang mga sagot na iyan dahil alam na alam natin na ang ating kalikasan ay sirang-sira na dahil sa mga maling gawain ng mga tao. San ba tayo kumukuha ng ating mga pagkain??di ba sa ating mahal na kalikasan? Paano na kung bigla nalang itong kunin?may magagawa ba tayo?

Dapat na tayong magbago,huwag nating hayaan at hintayin na itoy labis na masira hanggang sa ito'y mawala. May panahon pa tayo. Huwag nating sayang iyon. Sabay natin itong ayusin at simulan sa atingmga sarili.

by: Jumar R. Osada [macao]

Kalikasan

Napapansin nyo ba ang nangyayari sa ating kalikasan ngayon?Hindi bat hindi na kaaya-ayang tingnan ito?Ang dating kaakit-akit na kalikasan ay unti-unting nawawala at unti-unting nasisira ang ganda nito.Tayong mga tao ang nakikinabang dito ngunit tayo rin ang umaabuso nito kung kaya dapat tayong mga tao din ang maghahanap ng solusyon sa problemang ito.Ngayon palang dapat ay mag-isip na tayo ng paraankung paano ito mabibigyan ng kasagutan.Dahil sinira natin ang kalikasan dahil sa ating kapabayaan.Ang karagatan na sagans sa yamang dagat ay tuluyang nasira dahil sa walang tigil na paggamit ng dinamita.Ang kabundukan na nooy puno ng mga punong kahoy ay nagiging kalbo na.Ang mga hayop na nakatira sa kagubatan ay paunting paunti gayon din ang kanilang mga tirahan.Maruming hangin at mga nakakalat na basura ang makikita sa ating paligid.Tapon dito,tapon don.Wag nating hayaang mawala ang ganda nito ng dahil sa kapabayaan nating lahat.Magsimula tayong disiplinahin ang ating sarili at gawin ang dapat gawin,bilang mga taong gumagamit nito responsibilidad nating alagaan at ingatan ang ating kalikasan.Sama-sama at tulung-tulong nating ipaalam sa lahat ang kahalagan at ang pusibling mangyari kung masisira ito.Maraming paraan upang masolusyonan ito,gaya ng paggawa ng mga organisasyon, pagrerecycle ng mga basura at marami pang iba.Makakatulong din tayong mga estudyante bilang isang magandang halimbawa sa susunod na henerasyon.Makaktulong ang lahat mg ito para makaiwas sa tuloyang pagkasira ng kalikasan.Bigay sa atin ito kayat ingatan,alagaan at huwag pabayaan.
May panahon pa upang maibalik ang dating ganda ng ating kalikasan,hinda pa huli ang lahat...............MAGBAGO NA TAYO....

HOLASCA,ELVIN M.
BLK.II-E

Makialam Ka

Wala ka bang napapansin
Sa iyong mga kapaligiran
Ka dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin.


Isang parte sa kantang kapaligiran na nagsasabing makialam ka. Bakit? Dahil sa totoo lang ang kapaligiran natin ngayon ay talagang sirang-sira na at sa katunayan ang magagandang tanawin noon ay basura na ngayon.
Hindi mo man LAMANG NAISIP na isa ka sa sumisira sa ating kalikasan at dahilan ng pagkapangit ng ating kalikasan.
Kaya nararapat lamang na tumulong ka.
Sa anong paraan alam na alam mo kung paano. Tanungin mo kaya ang sarili mo.
Ano kaya ang dapat?
Gumising kana kaaaaibigan!!! Sobra na ang tulog mo.

Isidro Roy Ado

"Kaapligiran"

Ni Rey Lapiceros

Ang estado ng kalikasan natin ngayon ay masyadong masama o pangit sa kadahilanan sa sobrang dami ng nagtatapon ng basura sa kung saan-saan pati ang aing hangin ay nadadamay. Isa rin sa sumisira sa ating kalikasan ay ang mga usok na nagmumula sa tambotso ng mga sasakyan pati ang maling pagsusunog ng mga tao sa kanilang basura.....Kaugnay nito ang ating mga ilog at karagatan ay sumasama narin sa kadahilanang maling pagtatapon ng basura ng mga tao. Kaya kung nais nating maibalik ang dating ganda ng kalikasan simulan natin sa ating tahanan.

kalikasan

Ni Rushelle Elac

Kumukuha tayo ng pangunahing pangangailangan sa kalikasan, kaya nararapat natin itong pangalagaan, mahaln, atpahalagahan. Alam nyo ba kung ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kalamidad sa ating bayan? ito ay dahil sa ating pag-aabuso sa ating kalikasan,sa pamamagitan ng pag tapon ng basura kahit saan-saan, at pag susunog ng mga ito na nakadagdag sa polusyon na lalong nakasira sa ating kalikasan.
Kaya tayo'y gumising na at mag isip ng mabuti kung ano pa ang ating magagawa para maisalba ang ating kalikasan at di ito tuloyang mawala kaya mahalin natin at alagaan ito.

Ang ating kalikasan.

Sapanahon noon ang ating kalikasan ay mayaman ito sa minirals ngunit sa panahon ngayun unti-unti na itung nawawala ng dahil sa kahirapan maipag palagay banatin naang kahirapan ang siyang nag dudulot ng unti unting pag sisira sating likas nayaman,Hindi sa pag kat ang kahirapan ay wala itung kinalaman sa ating kalikasan na dulot ng pag kasira sating likas na yaman.At sa madaling salita hindi nakakasira sa ting likas na yaman ang kahirapan sa mga isyo nahinaharap natin ngayon kung ang pag kakataun ay gagamitin lang ito sa tamang paraan.




LuceƱra, Eduardo Jr.

Estado ng Kalikasan sa Ngayon

KALIKASAN; Ito ang pinakamagandang handog ng panginoon na nilikha niya upang pangalagaan nag mga tao.Tunay ngang noong unang panahon, binigyan niya tayo ng sariwang hangin, malinis na tubig na maiinom at ilog na malalanguyan.Kasabay din nito ang mga punong kahoy na may mga bunga at iba't ibang mga bulakalak na magaganda. Tunay ngang napabantog ang Pilipinas dahil dito.Nariyan din ang mga magagandang tanawin na syang dahilan kung bakit dinadayo ito ng mga turista.
Pero habang lumilipas ang panahon,unti-unting naglaho ang mga yaman ng bansa natin. Bakit?Mga TAO ang dahilan!!!Tayo na syang binigyan ng karapatan na pangalagaan at angkinin ito.Subalit sa halip na pangalagaan,pinabayaan natin at inaabuso. Tayo din mismo ang dahilan kung kayat nakakaranas na tayo ng ibat ibang kalamidad, at ang malubha pa nito,buhay mismo ng mga kapwa natin ang naging kapalit!Papayag pa ba tayo na marami pa ang buhay na mawawala??...
Hindi pa huli ang lahat!May pagkakataon pa. At malaki pa ang magagawa ng bawat isa sa atin.Sumali tayo sa mga programang may layunin tungkol sa ikakaganda ng kalikasan natin.Magkaisa lang tayong mga PILIPINO na ibangon ang Pilipinas at ibalik ang nasira at nasayang na kalikasan.
Sabay natin itong iligtas at sabay din nating imulat ang ating mga mata na
ang kalikasan ay kakambal ng buhay natin!!!
Ronelyn Monreal
BLK.2E GROUP VI

Ang Kalikasan Natin Ngayon

Masasabi natin na dumedepende ang tao sa kung ano ang maibibigay ng kalikasan sa kanya.
Hindi mabubuhay ang tao kung walang likas na yaman sa kanyang paligid.Subalit sa paahon natin ngayon,masasabi ba natin na pinapahalagahan pa natin ang ating mga likas na yaman.Ng dahil sa kahirapan unti- unti nating inilulubog ang ekwelebriyo ng ating kapaligiran.Karamihan sa atin ay ginagamit ito para sa mga pansariling interes.Hindi sana masama ang paggamit ng ating likas na yaman kung itoy gagamitin lamang sa ikakabuti ng lahat.


poted by:Bermie Sescon Blk 2 E

Thursday, September 22, 2005

"KALIKASAN"

Kumusta na ba? Ikaw kalikasan buhay pa ba? Asan ko makikita iyong kagandahan? Meron pa bang nakalaan sa susunod pa? Mga usok at mga pabrika sa iyo'y nagsira. Sa paanong paraan ika'y aking matulungan at maibalik sa iyong dating kagandahan? Sa ngayon iyong makikita at maririnig ang ibat-ibang klase ng panawagan sa pagtulong sa pagbalik sa nasirang kalikasan. Minsan ay naitanong ko kung "bakit kaya sa konting pag-ulan ay isang malaking baha ang kinabukasan ay ibinababalita?" simple lang ang sagot nila dahil wala nang mga puno! Ngunit bakit ba kayhirap malutas ito? Sapagkat ito'y kagagawan ng walang pakundangang pagputol ng mga tao at di pagpalit dito. Gumising ka! Magkaisa tayo! Muli nating ibalik ang tunay na kahulugan ng "K-A-L-I-K-A-S-A-N" nang may maipagmayabang ka pang ganda dito. Posted by: CARLON,ELTON 2E

Pagyamanin ang Kalikasan

Ang mundo ay hindi lamang pag-aari ng henerasyon ngayon pero pati na rin sa darating na henerasyon, kaya nararapat lamang na ipasa natin ito sa kanila nang maayos at mabuti pa ang kondisyon. Naririnig mo ba ang mensahe ng kalikasan? may mundo pa kaya silang matitirhan? May sariwang hangin pa kayang malalanghap na galing sa kapaligiran? O baka naman wala na silang malinis na tubig na maiinom at mailigo. At baka hindi na nila makikita ang kagandahan ng kapaligiran. Yan ang ilan lamang sa mga katanungang nais kong mabatid ng aking mga kababayan upang maisaisip nila ang mga bagay-bagay na dapat nating pangalagaan at ipamahagi sa mga darating na mga henerasyon. Ayon pa sa isang popyular na magasin, bawat nilalang ay may maiambag sa kapaligiran, kagaya na lang nating mga batang mag-aaral. Pwede nating itapon ang mga basura kahit saan ng mga kendi o pagkaing kinakain natin, pero para makatulong sa kalikasan, itapon natin sa tamang lalagyan. Sa ating tahanan, pwede nating linisin ang maruming kapaligiran. Ihiwalay ang nabubulok at di nabubulok na maaaring gawing pataba. Kaya dapat bawat isa sa atin ay alam ang dapat gawin, hindi lamang para sa ating sarili kundi pati na rin sa susunod na henerasyon. Ang lahat sa atin ay may mga gintong maipapamana kahit man lang ang mundo na iyong kinagisnan na lamang ang nag-iisa mong maipamamana sa kanila.


Ni: Julie Ann Eleuterio
Blk-2E

Kalikasan Ngayon

ang estado ng ating kalikasan ngayon ay unti-unti nang nagbabago. dahilan dito ang walang tigil na pang-aabuso ng mga tao sa ganda nito. Pinuputol ang mga malalaking puno sa siyang pumipigil sa baha o landslides. At wala na rin ang malinis na tubig sapagkat tinatapunan na ito ng mga basura o kaya ay patay na hayop. Kaya kadalasan marami ang namamatay o nagkakasakit dahil sa maruing tubig. Kadalasan ang mga bata ang nagiging biktima nito. ito ay halimbawa lamang ng mga kadahilanan sa unti-unting pagbabago ng ating kalikasan.

Sa palagay ko, hindi na natin maibabalik pa ang tunay na ganda nito kaya ang dapat nating gawin, ay hindi na dagdagan pa ang problema sa ating kalikasan...




By: Rosela Sayson
Blk-2E

kalikasan

"wala ka bang napapansin sa ating kapaligiran
kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin"
Kung ikaw ay pinoy, talagang lubos mo hahangaan ang awiting ito. Matutunan mo ring hangaan at mahalin ang kung sino mang maygawa ng kanta.
Ang awiting "Masdan Mo" ay natutungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating paligid sa kasalukuyan. Dito ay binigyang pagkakaiba ang ating kapaligiran noon at ngayon.
Bakit di mo tingnan ang paligid mo? hindi ba't ang lahat ng mga yan ay biyaya ng Diyos sa ating lahat? Hindi ba't sapat na ang mga ito para mapatunayan ng Diyos na mahal niya tayong lahat?
Bagamat tayong mga tao ay hindi madaling makuntento. We are still seeking for more! Sila! "ang kalikasan" ang ating ginamit upang matugunan ang mga pangangilangan natin. Bagamat di na natin naisip na tayo'y naging sakim na!
Hindi ko sinabi na wag natin silang gawing kasangkapan. Dahil dito din tayo nabubuhay! Ngunit ang akin lang naman ay huwag kang abuso! Matutong kang makuntento sa maliit na bagay.
Ang tinutumpok ko dito ay yong mga "Illegal Loggers" dahil kaya nilang kumalbo ng kagubatan. And they're doing it to earn much money!!! hindi na nila inisip kung ano ang epekto nito. Hindi lang illegal loggers pati narin yong mga miners. Kasi naman, dahil sa umaasang makahukay ng ginto kaya kung saan-saan gumagawa ng lungga! Hayan tuloy nag landslide! eh di, sila narin ang napapahamak!!!!
Sabi ko na nga ba eh! kung ano yong ginagawa mo sa kalikasan ay kusang babalik din sayo! Bakit di nalang natin kasi sila pahalagahan, mahalin o kaya ay alagaan katulad ng buhay natin. Mahirap ba yon? Bat di mo na simulan? Aja!
Posted by: Charmin Gay B. Canono Blk II-E

Kalikasan Ating Alagaan


Sa kaunaunahang panahon binigyan tayo ng panginoon noon ng masaganang kabuhayan at napakagandang kalikasan puno ng mga halaman, bulaklak, tubig mga organisbo at mga bagay na nakakapag bigay buhay sa atin



Sa pagdaan ng panahon habang ang tao ay dumadami unti-unti naring nasira ito ibat -ibang gawain ang pinagagawa ng tao sa kalikasan para lamang makuha ang kanilang kagustuhan kuha ng kahoy dito doon, gamit ang dinamita sa pag kuha ng pag kain sa dagat kaigin system at iba pa.


Sa mga gawain ito hindi nila pinag ii-sip na sa pag dating ng panahon sila rin ang mag hihirap kung patuloy nating aabusuhin ang ating kalikasan dadating ang panahon mawawalan narin tayo ng mapag kukunan ng pagkain kaya mahalin natin ang ating kalikasan kung lubos nating mahal ang ating sarili.


Magmulat na tayong lahat sa mga ginagawa nating pag sira sa ating kalikasan ay ating alagaan upang di tayo magsisi sa bandang huli.




GEOAN F. BOSTON
Blk II - E

k

Ang Kalikasan

Ang kalikasan ay isang napakagandang biyaya ng panginoon para sa mga tao.I'toy nagbibigay ng sariwang hangin at pangunahing pangangailangan ng tao.Maaari ring makatulong ito sa paghahanap buhay tulad ng pagpuputol ng kahoy upang gawing kasangkapan na maaring ebenta.Maganda sana ang ganitong gawain kung nasa tama lang ang pagkakagamit at pagtrato natin sa ating kalikasan.Kadalasan kasi, ginagamit ito sa mga pampersonal na interes ng iilan sa atin.Inaabuso at unti-unting inuubos ang mga likas na yaman para lamang yumaman.



Posted by: Elbert Carol Echavez Blk 2E

Wednesday, September 21, 2005

Habang Hindi pa Huli ang Lahat


Noon naisip ko, Ano ba talaga ng kalikasan? Bakit sinasabi ng ibang tao na, Kalikasan lang 'yan. Ginagamit lang. Hindi man lang nila naisip ang tunay na halaga nito sa atin. Oo, tama sila, kalikasanlang yan, ginagamit lang. Pero, hindinaman talaga tamang abusuhin ito. Napakaimportante nito sa atin. Paano na lang kung masira ito nang lubusan? Paano na lang tayo?
Hindi ba nila naiisip ang mga sakunang gaya ng baha, landslide, pulosyon at iba pang mga pangyayari na dulot ng pang-aabuso nating mga tao sa kalikasan. Kaya kung ako sa inyo, huwag nating hintayin pang mangyari ito sa atin. Simulan na natin itong protektahan at pahalagahan. Habang may panahon pa tayo. Simulan na natin itong bigyang pansin. Hindi mamaya na, hindi bukas pa, kundi Ngayon na!!! habang hindi pa huli ang lahat.......
By: Mary Grace Gepitolan
Blk-2E

Habang

Ang Estado ng Kalikasan sa ngayon


Ano nga bang kalikasan? Ano nga ba ang estado ngkalikasan sa ngayon? Mahalaga ba ito sa atin? Dapat ba natinitong pangalagaan?

Ang kalikasan ay isang mundo sa kanyang sarili at lahat ng bagay sa loob nito na hindi ginagawang tao. Ang kalikasan din ay isang pagka natural ng isang tao o bagay lalong-lalo nasa ugali, damdamon at iba pa. Matatawag din nating ang kalikasan ay isang kasaganaang ani.

Ang estado ng kalikasan sa ngayon. Nahuhulog tayo sa maramingpagkakasala dahil sa kahinaanng ating likas na pagkatao. Dating mga malalabongna mga punong-kahoy na makikita natin sa kagubatan ay unti-unti nang nauubos dahil sa kagagawan ng ibang tao na walang ibang iniisip kundi ang sariling kapakanan lamng. Dahil sa kanilang kagagawan, maraming mga taongayon ang naghihirap dahil sa hindi inaasahang kalamidad na biglang dumating sa kanilang buhay. Halimbawa na lamang nito ang dulot ng baha. Maraming mga tao ang nalulunod dahil wala ng mga punong-kahoy na siyang tumutulong sa pagpigil sa malakas na daloy ng tubig.

Oo, mahalaga ito sa atin dahil ibinigay ito ng Panginoong Diyos na dapat nating pangalagaan at pahalagahan para ito'y umunlad at lumago.
Ni: Genalyn dela Cruz
Blk-2E



Kalikasan natin...


Kahit saan tayo pumunta, mayroongmabilis na pagbabago sa ating kapaligiran. Ang pagpapaganda ng ating ruralna lugar ay mabilis nagbago. Mga sakahang karaniwang hindi pa nagagalaw at agrikultural ay nabago sa industriyal at patayuan ngmga bahay-bahay. Magaganda at natural na pagpapaganda ay nabago sa pagpapaakit sa mga turista. Bawat oras na ako'y napapadaan sa Riverford, ay nakikita angmalaking pagbabago ng isang gabundok na lupa na ginawang pasyalan. Mga lupang dati ay taniman ng mga punong-kahoy at tirahan ng mga hayop at ginawang subdibisyon na siyang tinitirhan ng mga tao.

Di ako tutol sa pag-unlad, kung nais nating magbago, pagtitipid, kailangan nating magsakripisyo. Ngunit ang tanong na bumabagabag ay: "Ano kaya ang kabayaran ng ating pag-unlad? Ito ba'y pagsira sa bigay ng ating Diyos na natural na kagandahan? Ang pag-unlad ba'y may kahulugan sa pagkawala ng ating mga hayop halaman at iba pa.

Tayo na't kapit kamay na sumaling panatilihin ang kapaligiran at tulungan natingi-preserve ang ating kalikasan para sa susunod pang henerasyon.
By: Forabel Romero
Blk-2E

Estado ng kalikasan

Dapat natin pangalagaan ang ating kalikasan dahil ito ay ipinagkaloob ng maykapal sa atin bigyan nating halaga at maspagandahin ang ating kalikasan upang ito'y lubusan nating pakinabangan.Hindi dapat natin ipagwalang bahala ang mga bagay na may mabuting idudulot sa ating kalikasan sapagkat tayong mga tao ang makikinabang nito dapat din nating pahalagahan ang ating kalikasan upang hindi ito mawala sa atin, pagandahin ng mabuti ng sa ganon pagdating ng araw o panahong maabutan pa nila kung gaano kaganda ating kaliasan na binigay ng Diyos sa atin .Huwag tayo puputol ng mga puno dahil ito ay nakakatulong sa atin.Ito ang prutekta sa pagdating ng kalamidad tulad ng pagbaha at ito din ang nagbibigay ng preskong hangin na nilalanghap natin sa araw-araw.Alagaan natin ang mga hayop na nagbibigay kagandahan sa ating kalikasan.Huwag nating abusuhin ito sapagkat sila ay may malaking maitutulong sa ating kalikasan.Ang ating karagatan na siya ng nagbibigay ng mga pag kain tulad ng mga isda at iba pa.At dapat huwag tayong magtapon ng basura dahil ito 'y nakasisira sa kanilang tinitirhan at sa mga taong kumakain nito.Ang tubig sa dagat na marumi ay siya ring dahilan ng pagkalat ng sakit sa mga tao na niligo nito at naging dahilan rin ng pagkamatay ng mga isda.

Nina Hydee Ocial
blk.2e
grp.4


Estado ng Kalikasan sa Ngayon

Kalikasan ito ang uri ng phenomena sa kaanyoan ng buhay na hindi ginagawa ng tao. Ang estado ng kalikasan ngayon ay unti-unting nauubos ang ating likas ng yaman. Nakikita na naman natin na ang dating bukirin noon ay ginawang subdisyon, factory, at iba pa. Kung magpapatuloy pa ito malamang mawalan na tayo ng magagandang tanawin. Kaya dapat tayong kumilos, kung ano man yong kinukuha natin sana palitan natin parama-balik ang dating anyo at kagandahan nito.
Sa panahon ngayon malabo ng mangyari dahil may mga taong walang paki alam sa kanilang kalikasan makuha lang ans kanilang gusto mangyari. Kaya wag nating gagayahon sila para matigilan na ang unti-unting pagkaka-ubos ng ating na likas na yaman, kaya dapat nating pa-unlarin o palagu-in para sa mundong hinaharap natin sa darating na panahon.
Charish May Magbanua
blk2-E