Estado ng Kalikasan sa Ngayon

Ang temang ito ay tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon at ang mga kaganapang maaaring magdulot ng pagbabago sa ating kapaligiran.

Wednesday, August 31, 2005

Estado ng Kalikasan sa ngayon

Ang kalikasan ay isa sa nakapagbigay ng pamumuhay ng bawat tao.Bigay ng ating Puong Maykapal na dapat nating alagaan at ingatan.Isa din ito ng ating likas-yaman ng ating bansa.Karapatan nating bigyang pansinang ating kalikasan para din naman ito sa ating lahat.Nasa atin ito kung paano natin dadalhin sa magandang paraan.Halimbawa ang punong kahoy ang nakapagpigil sa malakas na daloy ng tubig.


Mary Rose S. Hambora

Group 4.Blk 2E

Inang- kalikasan


Ang kalikasan ay nagbibigay, sa atin ng buhay. Buhay na maaari nating ipamana sa susunod na mga henerasyon. Subalit ito ay inaabuso ng mga tao, hindi nila alam na malaki ang pakinabang nito sa ating lahat. Kung maaari sana ay atin itong alagaan at pagyamanin sa ikabubuti nating lahat. Dahil ang kalikasan ang siyang pinagkukunan natin ng ikinabubuhay.Sana maging alerto tayo sa mga pangyayaring nagaganap sa ating paligid at nang sa ganoon ay mabigyan natin ng panibagong pag-asa ang susunod pang mga henerasyon. Bilang kabataan na siyang pag-asa ng ating bayan, ako si Carolyn Tigon, kumakatok sa pintuan ng inyong puso, at nananawagan sa inyo mga kababayan ko............

Maawa naman kayo sa ating Inang-kalikasan, at sa tinig ng darating!

Carolyn Tigon
Blk.2-E

Tuesday, August 30, 2005

kalikasan

kalikasan ito ay biyaya ng dios sa atin. ang kalikasan ay siyang nagbibigay ng proteksyon sa ating mga tao laban sa baha, LANDSLIDE,at iba pa.Ang kalikasan din ay siyang tirahan ng mga hayop,tulad ng punong kahoy na siyang tirahan ng mga ibon,kagubatan naman ay tirahan ng mga mababangis na hayop.Pero alam n'yo ba kung ano na ang kalagayan ng ating kalikasan ngayon?Itoy unti-unti ng nawawala,nauubos,at nasisira.alam n'yo ba kung sino ang may kagagawan nito?Tayo rin mismo,tayo rin mismo ang sumisira sa sarili nating yaman.Napapansin n'yo ba ang patuloy na pagbaha sa inyong mga lugar? Iyon ay dahil sa unti-unting pagkaubos ng ating punong kahoy,na pinuputol ng mga illegal loggers.Ang unti-unti pagkawala ng mga yamang hayop natin na tanging dito lang sa pilipinas sana makikita?Nawawala na sila dahil din iyon sa atin o unti-unti ng namamatay dahil wala na silang matitirhan. Noon nakakalanghap pa tayo ng sariwang hangin,ngayon puro polusyon na ang hangin na ating nalalanghap,dahil wala ng punong kahoy na siyang sumasala sa pulosyon na dulot ng mga sasakyan.Kung mayron mang punongkahoy bihira nalang nating iyong makikita.Ang ilog natin,noon ay pwede pa tayong maligo,ngayon ay tinuturing na itong isang basurahan,ang mga kemikal na galing sa mga plantasyon ay sa ilog na nila itinatapon.Marami na ring mga isda o lamang dagat ang namamatay dahil sa nakakamatay na kemikal.hindi lang ang lamang dagat ang nalalason kung di pati na rin ang mga taong nakakakain nito.Hihintayin pa ba nating tuloyan ng masira ang ating pinagkukunang yaman.Kailan pa ba tayo kikilos pag huli na ang lahat.Umpisahan natin ngayon habang maaga pa,habang hindi pa huli ang lahat,habang may panahon pa.Tayo rin ang magsisisi pag dating ng panahon.Kung baga nasa huli ang pagsisisi.
By:Cherry Ann C.Ragotero
Block-II-E
Group 2

Wednesday, August 17, 2005

Karanasan Hinggil sa Kalikasan



Nakasaksi ka na ba ng pagwasak ng kalikasan? Kahit na sa mismo ninyong lokalidad? Marahil ay alam mo na't pamilyar ka na sa mga pangyayari sa ating kapaligiran- sa ating kalikasan.
Nais ko sanang ibahagi ang aking karanasan noong ako'y nasa ika-apat na taon sa sekondarya, nang kami'y dumalo sa 3-araw na summit na ginanap sa Malagos, Davao City.
Pasado alas-sais na ng umaga noon. Inihanda na namin ang aming mga dadalhin. Pagkain, flashlight, damit, tent, pansariling kagamitan, at siyempre- kamera. Habang kami'y naglalakbay kasama ang aming adviser at iba pang classmates, hindi namin mapigilang mamangha sa kagandahan ng likas na obra na animo'y inukit ng malikhaing kamay. Kamangha-mangha din ang mga gahiganteng puno ng narra, bagrass, lawaan, at iba pa. Kasama ang mga iba't-ibang uri ng mga bulaklak na kasisibol pa lamang at ang mga talulot nitong nadadampian ng hamog sa umaga. Talaga namang makapigil-hininga ang pagsikat ng araw dala ang pag-asang harapin ang bawat bukas sa bawat pag-inog ng mundo.
Subalit may hangganan din pala ang aming paghanga.....
Pangalawang araw, nang dinalaw namin ang iba't-ibang plantasyon ng saging at pinya sa Gumalang, Wines, Baguio district, at iba pang pook, na pinagmamay-arian naman ng mga maimpluwensiyang indibidwal sa Pilipinas. Nakapanlulumong isipin na sa bawat patak ng kemikal na ginagamit sa mga plantasyon ay unti-unti ring nababawasan ang ating tsansang mabuhay. Sapagkat ang dumi ng mga ito'y umaagos lahat patungo sa ating mga 'watersheds', kung saan naman tayo kumukuha ng ating iniinom na tubig. Malubha na ang kalagayan ng ating 'watershed'. Napalitan na ng burak ang dating napakalinaw na tubig. Kawawa naman ang susunod pang mga henerasyon. Ayon sa pagsusuri ng Watershed Management and Coordinating Council, Darating din ang panahon na titigil na sa pagpro-prodyus ng malinis na tubig si Inang-likas. At unti-unti na ring nakakalbo ang ating mga kagubatan na siyang pinamamahayan ng mga maiilap na hayop. Dinagdagan pa ng kasakiman at pagsasamantala ng ating mga kababayan. Iilan lamang ang mga ito na maaaring magdulot ng matinding kawalan sa sangkatauhan. Marahil darating din ang panahon ng himutok ng pagganti ni Inang -likas. At ang sandaling yaon ay dumating na nga! Bagyo, baha, lindol, landslides, at marami pang kahindik-hindik na mga kalamidad.
Sa huling araw ng aming summit, bakas sa aming mga mukha ang panghihinayang at hinanakit sa aming nasaksihan sa mga nagdaang araw. Papalubog na ang araw nang tahakin namin ang aming daan pauwi. Naitanong ko tuloy sa aking sarili, "Nasaan na kaya ang ating pag-asang inaasam-asam?"
May pag-asa pa kaya? May bukas pa ba?
Sana nga.........................

Inaanyayahan ko kayong makibahagi sa Haribon Foundation Protecting Nature...
(just visit www.haribon.org.ph)
By: Claribel D. Bello
Blk.2-E
Group-5

Estado Ng Kalikasan sa Ngayon

Ang kalikasan sa ating bansa sa kasalukuyan ay masasabi natin nasa di magandang kalagayan dahil sa pag-abuso ng mismong mamamayan ng ating bansa.Ang ating mga bukirin at kagubatan na noon ay puno ng mga kahoy o masaganang likas yaman ngayon ay nakalbo na.Ito ay dahil sa illegal logging na talamak sa ating bansa.Ikalawa sa ating karagatan kung saan ang mga lamang dagat ay inaabuso ng mga mangingisda sa pagtatapon ng mga toxic kung saan nalalason ang mga ito.Ang lunsod ng maynila ay pinakamarumi at polluted sa ating bansa.Mga baradong kanal,at napakaruming ilog,tambak na basura at mga kemikal na lumilikha ng pollusyon sa hangin at tubig.Ito ang pilipinas ngayon kaya tao,mga tao ay dapat mag-isip at pangalagaan ang kalikasan.