Estado ng Kalikasan sa Ngayon

Ang temang ito ay tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon at ang mga kaganapang maaaring magdulot ng pagbabago sa ating kapaligiran.

Monday, December 05, 2005

Maisasalba pa ba?

Masasabi ba natin na nasa magandang kondisyon pa rin ang ating kaikasan ngayon?
Kung ating titingnan ang bawat anggulo makikita natin na ang kalikasan ay patuloy na sinasamantala ng mga tao.
Nasabi ko yun dahil iyon ang aking nasaksihan.
Karamihan sa mga tao ay patuloy pa rin ang pagpuputol ng mga puno sa kabila ng LOG BAN na pinapatupad sa buong bansa sa kadahilanan upang maiwasan ang nangyari sa Real, Infanta at ibang parte ng Quezon.
Hindi lingid sa atin na nagkaroon ng baha,landslide at malakas na pag ulan ang sanhi noon,
na nagdulot ng pagbubuwis ng buhay ng maraming tao.
Dahil sa pagtotroso ng walang humpay nakalbo ang kagubatan doon.
Imbis na gawing halimbawa ang nangyari tila hindi natinag ang iba na patuloy pa rin sa paglalapastangan sa inang kalikasan.
Kung hindi sila titigil malamang na mangyari sa ibang lugar ang nangyari sa Quezon.
Kapag tuluyang nasira ang kalikasan tayong mga tao ang magdurusa at malamang magkaroon ng delubyo.
sana lagi nating tandaan na kapag ang kalikasan ang gumanti hindi natin ito mapipigilan at hindi matatakasan...
tumulong tayo sa pagpepreserba ng kalikasan para maiwasan ang anumang kapahamakan sa darating na panahon.


karen joy parba
II-E

4 Comments:

At 2:00 PM, Blogger Trishamae Austria said...

Tama. Malaking katotohanan, sinasampal na tayo ng realidad. Maiituring natin ngayon ang kalikasan o mundo na parang "nasa isang kalan". Mga simpleng salita lamang ngunit kung iintindihin ay napakalaki na dapat solusyonan. Unti-unti na nating niluluto sa kasiraan ang ating kapaligiran. Mundong dapat ingatan pero hinding-hindi naman nangyayari. Kung sa pagkain, tayo mismo ang lumuluto sa mundo upang magbago ang lasa. kasiraan ang nangyayari!Tayong mga Pilipino, may mga nagmamahal naman sa kalikasan ngunit mas marami ang hindi. Hindi nila alam na babalik sa kanila ang ginawa nila sa ating kalikasan. Pinapabayaan na natin ang kalikasang hiram sa Maykapal. Nakalimutan na talaga nating mga Pilipino ang kahalagahan ng ating kalikasan, mas pinapahalagahan na natin ang mga materyal na bagay na kung anong meron tayo ngayon. Hindi natin alam na sa unti-unting pagkasira ng ating kalikasan, patuloy rin ang pamumuno ng kahalagahan ng teknolohiya na nakapaligid sa atin. Kaya wag na tayong magtaka sa mga dumadating na kalamidad dahil ito ay gawa lahat nating mga tao. Huwag natin hayaang maluto nang tuluyan ang ating mundo !

 
At 2:52 PM, Blogger Jhamaeca Magtibay said...

Oo nga, nakakainis man ang mga taong mahilig magputol ng puno, magtapon ng basura sa kung saan-saan, mga langis at iba pang kemikal at higit sa lahat ang pagsusunog ng mga basura. Kaya humanda tayo sa paghihirap natin na dala ng kalamidad. Kaya nawawalan ng mga tirahan, mga pagkain at higit sa lahat pagkamatay ng mga mahal sa buhay. Kumilos na tayong mga Pilipino !

 
At 3:06 PM, Blogger harlene magtibay said...

Big Check ! Ang tanong kailan pa tayo kikilos? Pag huli na talaga? Kung kailan natin pagsisisihan na natin ang lahat? Kailan ba tayo gigising sa pagpapawalang-bahala sa kahalagahan ng ating kalikasan? Kailan natin uunahin ang kalikasan kaysa sa mga teknolohiya? Kailan tayo tutulong sa pangangalaga ng ating kalikasan upang hindi tuluyang maluto lang sa wala ang ating mundo? Kailan nga ba magagawan ng solusyon ang lahat? Kailan nga ba magiging aral ang lahat ng dumadating na kalamidad? Ang magagawa natin sa ngayon ay magtulungan at kumilos na tayo upang mahalin at pagyamanin muli ang ating "Kalikasan" dahil tayo rin ang magiging kawawa bandang huli. Pag hindi tayo kumilos, patay TAYO diha !

 
At 3:15 PM, Blogger Trishamae Austria said...

Oo nga, tayong mga kabataan ang manguna. Kaya pa nating iligtas ang kalikasan kung magtutulungan tayo :)

 

Post a Comment

<< Home