Estado ng Kalikasan sa Ngayon

Ang temang ito ay tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon at ang mga kaganapang maaaring magdulot ng pagbabago sa ating kapaligiran.

Monday, November 14, 2005

Nasaan Ka Na Ba Inang...?



Tunay ngang kabigha-bighani ang kagandahang dulot nitong ating Inang kalikasan. Nariyan ang kahanga-hangang mga pulo na napapalibutan ng maaamong karagatang pinagyaman ng mga laman nito tulad halimbawa ng isda, alimango, hipon, talaba at marami pang iba na syang pangunahing ikinabubuhay ng marami sa ating mga Filipino. Biniyayaan din tayo ng kaakit-akit na mga tanawin at ilang malalawak na mga lupaing kagubatan na syang pugad at himlayan ng maiilap na hayop at iba pang kaaya- ayang laman nito na talaga namang maipagmamalaki natin dahil tanging dito lamang matatagpuan ang mga ito sa "Pinas": gaya na lamang ng Philippine Monkey-Eating Eagle ng Davao na pumupugad sa pusod ng bundok Apo, ang Tamaraw at Pilandok (mouse deer) ng Palawan at marami pang iba. Ganoon pa man, ang mga ito ay ilan lamang sa mga natatanging biyayang ipinagkaloob sa atin ni Inang kalikasan upang alagaan at panatilihin para magamit hindi lang ngayon kundi pati sa mga susunod pang henerasyon.
Kung magpapatuloy pa ang ganitong kalakaran, anong kapaligiran kaya ang naghihintay para sa susunod pang kabanata ng buhay ng tao...?Meron pa kaya...?Ano...?Ano...?Ano...?


Marlon S. Makilan
Retorika 2E

1 Comments:

At 3:04 PM, Blogger Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

 

Post a Comment

<< Home