Estado ng Kalikasan sa Ngayon

Ang temang ito ay tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon at ang mga kaganapang maaaring magdulot ng pagbabago sa ating kapaligiran.

Friday, September 23, 2005

Kalikasan

Napapansin nyo ba ang nangyayari sa ating kalikasan ngayon?Hindi bat hindi na kaaya-ayang tingnan ito?Ang dating kaakit-akit na kalikasan ay unti-unting nawawala at unti-unting nasisira ang ganda nito.Tayong mga tao ang nakikinabang dito ngunit tayo rin ang umaabuso nito kung kaya dapat tayong mga tao din ang maghahanap ng solusyon sa problemang ito.Ngayon palang dapat ay mag-isip na tayo ng paraankung paano ito mabibigyan ng kasagutan.Dahil sinira natin ang kalikasan dahil sa ating kapabayaan.Ang karagatan na sagans sa yamang dagat ay tuluyang nasira dahil sa walang tigil na paggamit ng dinamita.Ang kabundukan na nooy puno ng mga punong kahoy ay nagiging kalbo na.Ang mga hayop na nakatira sa kagubatan ay paunting paunti gayon din ang kanilang mga tirahan.Maruming hangin at mga nakakalat na basura ang makikita sa ating paligid.Tapon dito,tapon don.Wag nating hayaang mawala ang ganda nito ng dahil sa kapabayaan nating lahat.Magsimula tayong disiplinahin ang ating sarili at gawin ang dapat gawin,bilang mga taong gumagamit nito responsibilidad nating alagaan at ingatan ang ating kalikasan.Sama-sama at tulung-tulong nating ipaalam sa lahat ang kahalagan at ang pusibling mangyari kung masisira ito.Maraming paraan upang masolusyonan ito,gaya ng paggawa ng mga organisasyon, pagrerecycle ng mga basura at marami pang iba.Makakatulong din tayong mga estudyante bilang isang magandang halimbawa sa susunod na henerasyon.Makaktulong ang lahat mg ito para makaiwas sa tuloyang pagkasira ng kalikasan.Bigay sa atin ito kayat ingatan,alagaan at huwag pabayaan.
May panahon pa upang maibalik ang dating ganda ng ating kalikasan,hinda pa huli ang lahat...............MAGBAGO NA TAYO....

HOLASCA,ELVIN M.
BLK.II-E

1 Comments:

At 7:36 PM, Blogger Retorika-Block II-E said...

Maganda ang mensahi ng iyong blog.Mas gaganda pa ito kung iyong lagyan ng larawan.

BY:ROMILYN DELOS SANTOS
BLK.II-E

 

Post a Comment

<< Home