Estado ng Kalikasan sa Ngayon

Ang temang ito ay tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon at ang mga kaganapang maaaring magdulot ng pagbabago sa ating kapaligiran.

Thursday, September 22, 2005

kalikasan

"wala ka bang napapansin sa ating kapaligiran
kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin"
Kung ikaw ay pinoy, talagang lubos mo hahangaan ang awiting ito. Matutunan mo ring hangaan at mahalin ang kung sino mang maygawa ng kanta.
Ang awiting "Masdan Mo" ay natutungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating paligid sa kasalukuyan. Dito ay binigyang pagkakaiba ang ating kapaligiran noon at ngayon.
Bakit di mo tingnan ang paligid mo? hindi ba't ang lahat ng mga yan ay biyaya ng Diyos sa ating lahat? Hindi ba't sapat na ang mga ito para mapatunayan ng Diyos na mahal niya tayong lahat?
Bagamat tayong mga tao ay hindi madaling makuntento. We are still seeking for more! Sila! "ang kalikasan" ang ating ginamit upang matugunan ang mga pangangilangan natin. Bagamat di na natin naisip na tayo'y naging sakim na!
Hindi ko sinabi na wag natin silang gawing kasangkapan. Dahil dito din tayo nabubuhay! Ngunit ang akin lang naman ay huwag kang abuso! Matutong kang makuntento sa maliit na bagay.
Ang tinutumpok ko dito ay yong mga "Illegal Loggers" dahil kaya nilang kumalbo ng kagubatan. And they're doing it to earn much money!!! hindi na nila inisip kung ano ang epekto nito. Hindi lang illegal loggers pati narin yong mga miners. Kasi naman, dahil sa umaasang makahukay ng ginto kaya kung saan-saan gumagawa ng lungga! Hayan tuloy nag landslide! eh di, sila narin ang napapahamak!!!!
Sabi ko na nga ba eh! kung ano yong ginagawa mo sa kalikasan ay kusang babalik din sayo! Bakit di nalang natin kasi sila pahalagahan, mahalin o kaya ay alagaan katulad ng buhay natin. Mahirap ba yon? Bat di mo na simulan? Aja!
Posted by: Charmin Gay B. Canono Blk II-E

1 Comments:

At 7:26 PM, Blogger Retorika-Block II-E said...

ANG MASASABI KO AY MAGANDA ANG MGA SINSABI MO TUNGKOL SA ATING KALIKASAN PERO MAY MGA TAO TALAGANG HINDI MO MAPIPIGILAN SA PAGPUTOL NG MGA PUNONG KAHOY NA NAGING DAHILAN NG PAGBAHA AT PAG-GUHO NG LUPA. NI:CARLON,ELTON

 

Post a Comment

<< Home