Estado ng Kalikasan sa Ngayon

Ang temang ito ay tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon at ang mga kaganapang maaaring magdulot ng pagbabago sa ating kapaligiran.

Thursday, September 22, 2005

Kalikasan Ngayon

ang estado ng ating kalikasan ngayon ay unti-unti nang nagbabago. dahilan dito ang walang tigil na pang-aabuso ng mga tao sa ganda nito. Pinuputol ang mga malalaking puno sa siyang pumipigil sa baha o landslides. At wala na rin ang malinis na tubig sapagkat tinatapunan na ito ng mga basura o kaya ay patay na hayop. Kaya kadalasan marami ang namamatay o nagkakasakit dahil sa maruing tubig. Kadalasan ang mga bata ang nagiging biktima nito. ito ay halimbawa lamang ng mga kadahilanan sa unti-unting pagbabago ng ating kalikasan.

Sa palagay ko, hindi na natin maibabalik pa ang tunay na ganda nito kaya ang dapat nating gawin, ay hindi na dagdagan pa ang problema sa ating kalikasan...




By: Rosela Sayson
Blk-2E

1 Comments:

At 3:52 PM, Blogger Retorika-Block II-E said...

Masaya ako na nakapagpost ka na. Sinasabi dito ang maaaring idulot ng pagkawala ng kalikasan. Good luck para sa ating lahat..



Julie Ann Eleuterio
Blk-2E

 

Post a Comment

<< Home