Estado ng Kalikasan sa Ngayon

Ang temang ito ay tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon at ang mga kaganapang maaaring magdulot ng pagbabago sa ating kapaligiran.

Friday, September 23, 2005

Estado ng Kalikasan sa Ngayon

KALIKASAN; Ito ang pinakamagandang handog ng panginoon na nilikha niya upang pangalagaan nag mga tao.Tunay ngang noong unang panahon, binigyan niya tayo ng sariwang hangin, malinis na tubig na maiinom at ilog na malalanguyan.Kasabay din nito ang mga punong kahoy na may mga bunga at iba't ibang mga bulakalak na magaganda. Tunay ngang napabantog ang Pilipinas dahil dito.Nariyan din ang mga magagandang tanawin na syang dahilan kung bakit dinadayo ito ng mga turista.
Pero habang lumilipas ang panahon,unti-unting naglaho ang mga yaman ng bansa natin. Bakit?Mga TAO ang dahilan!!!Tayo na syang binigyan ng karapatan na pangalagaan at angkinin ito.Subalit sa halip na pangalagaan,pinabayaan natin at inaabuso. Tayo din mismo ang dahilan kung kayat nakakaranas na tayo ng ibat ibang kalamidad, at ang malubha pa nito,buhay mismo ng mga kapwa natin ang naging kapalit!Papayag pa ba tayo na marami pa ang buhay na mawawala??...
Hindi pa huli ang lahat!May pagkakataon pa. At malaki pa ang magagawa ng bawat isa sa atin.Sumali tayo sa mga programang may layunin tungkol sa ikakaganda ng kalikasan natin.Magkaisa lang tayong mga PILIPINO na ibangon ang Pilipinas at ibalik ang nasira at nasayang na kalikasan.
Sabay natin itong iligtas at sabay din nating imulat ang ating mga mata na
ang kalikasan ay kakambal ng buhay natin!!!
Ronelyn Monreal
BLK.2E GROUP VI

0 Comments:

Post a Comment

<< Home