Estado ng Kalikasan sa Ngayon

Ang temang ito ay tungkol sa kalagayan ng ating kalikasan ngayon at ang mga kaganapang maaaring magdulot ng pagbabago sa ating kapaligiran.

Wednesday, July 13, 2005

estado ng kalikasan

Estado ng kalikasan sa Pilipinas sa Ngayon
Mailalarawan n'yo ba ang estado ng kalikasan natin ngayon? alam kong, negatibong pahayag na naman ang nasa isip ninyo ngayon dahil iyon naman talaga ang nakikita natin.
Mariming nagbago dahil sa kawalan ng kaalaman sa kahalagahan ng kalikasan kaya unti-unting nasisira ang animo'y paraisong tanawin. Ang malaberding dahon ng puno sa kagubata'y unti-unti ng naglaho.
Ang karagatan ilog ,sapa, at ibang pang anyo ng tubig ay naging tambakan na ng basura.
Ang iba'y ginagawang palikuran, paliguan, at labahan.
Hindi lang iyan! Ang kalikasa'y, pinagkakakitaan na ng mga tao. Lalong-lalo na ang ating kagubatan. Ang mga Punong kahoy ay kanilang pinutol at ibinibenta.Ang iba nama'y sinasadyang talagang sirain upang gawing sakahan. Kaya ang mga hayop ay unti-unti na ring nawawala dahil ang kanilang tinitirhan ay nawawasak na sa kagagawan ng mga taong walang pakiramdam.Nagkaroon na rin ng matitinding baha, at landslide.
Sa ngayon, hindi na tayo makakalanghap ng sariwng hangin, dahil sa polusyon na dulot ng mga sasakyan, factory, insectiside at iba pa.Gusto ninyo bang lumala ang kalagayan ng ating kalikasan?Hindi ba kayo gagawa ng aksyon upang masugpo ang mapagsamantala sa ating kalikasan? bukas? sa makalawa? NGAYON NA!
ROSELYN G. CEBULLEROS
BLK. 2E

2 Comments:

At 5:11 PM, Blogger Retorika-Block II-E said...

ang iyong post ay nagbibigay ng impormasyon na naglalarawan sa estado ng kalikasan....

jerson ybaƱez
block2e

 
At 1:43 PM, Blogger Tiradauno said...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

 

Post a Comment

<< Home